Mula sa Blue Alert, ibinaba na sa White Alert Status ang Disaster Response Command Center ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasunod ng pagdaan ng Bagyong Rosal.
Kasunod ito ng pagbaba rin sa alert status ng National Disaster Risk Reduction and Management Council Operations Center.
Sa kabila nito, patuloy na nakaantabay ang DSWD sa pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.
Nakapamahagi na ang ahensya ng 2,171 family food packs sa iba’t ibang panig ng bansa.
Umabot naman sa mahigit ₱1.15 milyon ang halaga ng naipamahaging humanitarian assistance.
Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga lokal na pamahalaan at partner agencies upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan.