Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kinauukulang tanggapan ng gobyerno na paigtingin ang seguridad sa mga paaralan, lalo na ang early detection sa warning signs sa pag-uugali ng mga bata, upang maiwasan ang mga insidente ng school violence.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, dapat makatanggap ang mga guro at magulang ng angkop na pagsasanay upang agad na matukoy ang warning signs ng behavioral problem sa mga estudyante.
“Ang utos ng Pangulo, unang-una po, kailangan ang mga teachers, ang mga teaching personnel, sila po ay mabigyan ng kaalaman through a psychologist, psychiatrist para malaman kung ang isang bata ba ay may senyales na.” -Castro
Ipinag-utos din ng Pangulo ang mas mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng mga guro, magulang, barangay officials, at social workers laban sa school violence.
“The directive came following reports of separate incidents involving minors, including a 12-year-old student who was allegedly found carrying a firearm near an elementary school in Misamis Oriental on October 22 and a 13-year-old student who allegedly stabbed an 11-year-old schoolmate in Davao City on October 24.” -PCO
Ang mga barangay official at baranggay tanod, ayon kay Castro, ay dapat na bumaba sa school grounds, pataasin ang kanilang visibility, at tumulong sa ginagawang monitoring ng mga paaralan.
Kaugnay nito, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay pinalalakas na aniya ang mga hakbang upang bigyan ng nangkop na kaalaman ang mga magulang at guro sa pagtukoy ng behavioral changes at senyales ng emotional distress sa mga bata.
“So, maraming interventions ngayon ang DSWD at DepEd. At iyon nga po ang utos ng Pangulo, kailangan na mas mabigyan pa ng sapat na kaalaman ang mga teachers at teaching personnel para mas magabayan nila ang mga estudyante sa school.” -Castro