Patuloy na kinu-konsulta ng pamahalaan ang kapwa mga manggagawa at employers sa Northern Mindanao, upang matugunan ang wage concerns sa rehiyon. Partikular ang usapin sa minimum wage sa gitna ng tumataas na presyo ng basic commodities.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Region 10, nakapagsagawa na ng limang consultation meeting, upang madetermina ang pangangailangan ng mga manggagawa at kakayahan ng mga employer.
May nakatakda pa aniyang pulong sa ika-13 at 20 ng Nobyembre. Na agad susundan ng public hearing sa Disyembre.
“Ang mga concern ng ating mga minimum wage earners, asahan nila ito ay pinagtutuunan ng pansin,” -Castro.
Umaasa ang opisyal na magkakaroon ng favorable outcome ang mga konsultasyon na ito, para sa mga manggagawa sa rehiyon. | ulat ni Racquel Bayan