Inaasahang madadagdagan ang pamasahe sa eroplano dahil sa pagtaas ng allowable fuel surcharge sa Level 17 para sa November 1 hanggang 15.
Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB), sa ilalim ng Level 17, maaaring mangolekta ang mga airline sa pagitan ng ₱559 at ₱1,635 kada pasahero para sa domestic flights, habang sa pagitan ng ₱1,846.10 at ₱13,726.58 para sa international flights.
Mas mataas ito kumpara sa Level 16 kung saan naglalaro sa ₱525 hanggang ₱1,535 ang surcharge para sa domestic flights at mula ₱1,733.76 hanggang ₱12,891.29 para sa international flights.
Nagdadagdag ang airlines ng fuel surcharge sa pamasahe para mabawi ang gastos dulot ng pabago-bagong presyo ng gasolina.