Simula bukas, October 29, naka heightened alert status na ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) hanggang November 3 bilang paghahanda sa Undas 2026.
Magde-deploy ang MRT-3 ng 700 security personnel sa buong linya sa ilalim ng Oplan Byaheng Ayos.
Mananatili ang regular na operasyon sa October 29 at 30, gayundin sa November 2, mula alas-4:30 ng umaga hanggang alas-10:30 ng gabi sa North Avenue Station.
Samantala, sa October 31 at November 1, alas-9:30 ng gabi ang huling biyahe mula North Avenue at alas-10:09 ng gabi mula Taft Avenue.
Pinapayuhan ang mga pasahero na planuhin ang kanilang biyahe at sundin ang mga paalala para sa ligtas na paggunita ng Undas.