Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang hanay ng kapulisan na masusing i-review ang umiiral na protocols at palakasin ang kakayahang tumugon sa mga bomb threat.
Ayon kay Nartatez, layon ng pag-review na matiyak na nakasasabay ang mga protocol sa nagbabagong banta.
Tiniyak din niyang handang magbigay ang PNP ng karagdagang training sa paghawak at pag-iimbestiga sa mga ganitong insidente kung kinakailangan.
Ang direktiba ay kasunod ng bomb threats sa dalawang unibersidad sa Metro Manila na humantong sa paglikas ng mga estudyante at suspensyon ng mga klase.
Nangyari rin ang ganitong uri ng insidente sa iba pang paaralan sa mga probinsya nitong mga nakaraang buwan. Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng PNP para matukoy kung isolated cases ang mga bomb threat o bahagi ng mas malawak na pattern.