Pinaigting ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang inspeksyon sa mga terminal, barko at iba pang lugar ng trabaho ngayong Undas upang matiyak ang pagsunod sa labor standards at kaligtasan sa paggawa.
Sa direktiba ni Labor and Employment Secretary Francis N. Tolentino, tinututukan ng mga regional office ang tamang pasahod, kondisyon sa trabaho at mga kagamitang pangkaligtasan.
Natapos na ang inspeksyon sa mga terminal ng bus sa Baguio City at Pasay City. Sinuri rito ang kondisyon ng mga terminal at bus, pasilidad para sa mga pasahero at mga patakaran sa ligtas na operasyon.
Nagsagawa rin ng inspeksyon sa mga barko sa Batangas upang matiyak ang pagkakaroon ng kinakailangang kagamitan at maayos na kondisyon sa trabaho.
Bukod dito, sinuri ng DOLE ang mga pampublikong proyekto sa konstruksyon sa limang bayan sa Batanes at tatlong establisimyento ng turismo sa Bicol.
Patuloy namang pinaiigting ng ahensya ang koordinasyon sa iba pang tanggapan ng pamahalaan para sa pagsunod sa labor standards at kaligtasan sa sektor ng transportasyon at maritime.Pinaigting ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang inspeksyon sa mga terminal, barko at iba pang lugar ng trabaho ngayong Undas upang matiyak ang pagsunod sa labor standards at kaligtasan sa paggawa.
Sa direktiba ni Labor and Employment Secretary Francis N. Tolentino, tinututukan ng mga regional office ang tamang pasahod, kondisyon sa trabaho at mga kagamitang pangkaligtasan.
Natapos na ang inspeksyon sa mga terminal ng bus sa Baguio City at Pasay City. Sinuri rito ang kondisyon ng mga terminal at bus, pasilidad para sa mga pasahero at mga patakaran sa ligtas na operasyon.
Nagsagawa rin ng inspeksyon sa mga barko sa Batangas upang matiyak ang pagkakaroon ng kinakailangang kagamitan at maayos na kondisyon sa trabaho.
Bukod dito, sinuri ng DOLE ang mga pampublikong proyekto sa konstruksyon sa limang bayan sa Batanes at tatlong establisimyento ng turismo sa Bicol.
Patuloy namang pinaiigting ng ahensya ang koordinasyon sa iba pang tanggapan ng pamahalaan para sa pagsunod sa labor standards at kaligtasan sa sektor ng transportasyon at maritime.