Handa na ang Police Regional Office 3 para tiyakin ang seguridad at kaayusan sa paggunita ng mga Pilipino sa tradisyunal na UNDAS 2026.
Halos 8,000 rito ang mga pulis na magbabantay sa mga himlayan, nasa mahigit 5,000 naman ang gaganap ng kanilang tungkuling panseguridad at kaligtasan.
Habang nasa 857 naman ang mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang law enforcer at mahigit 4,400 naman ang miyembro ng iba’t ibang grupo at force multipliers
Ayon kay PRO 3 Director, PBGen. Jess Mendez, tutok ng kanilang pagbabantay ang 688 interment sites na kinabibilangan ng 501 sementeryo, 175 memorial sites at 12 columbaria sa buong rehiyon.
Nakapagtatag din aniya sila ng 614 na mga Police Assistance Desk (PADs) sa mga istratehikong lugar para alalayan ang publiko at rumesponde sakaling kailanganin.
Nagdagdag din sila ng mga tauhan sa mga pangunahing lansangan at expressway kabilang ang NLEX, SCTEX at TPLEX dahil sa inaasahang pagdagsa ng bilang ng mga motorista at biyahero sa paahong ito.
Hinikayat naman ni Mendez ang kanilang nasasakupan na gawin ang ibayong pag-iingat at planuhing maigi ang kanilang biyahe.