Binigyang-diin ng Palasyo na tuloy-tuloy na gumagawa ng hakbang ang gobyerno para masiguro ang stable price ng mga pangunahing bilihin ngayong holiday season.
Sa gitna na rin ito ng pagsisikap ng administrasyon na makabawas kahit paano ang mga Pilipino sa bigat ng gastusin.
Kaugnay nito’y inihayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na nagbigay na ng garantiya ang Trade and Industry Department na walang magaganap na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong kapaskuhan.
Sinabi ni Castro na bahagi ito ng mga ginagawang pamamaraan ng pamahalaan upang maprotektahan ang mga consumers sa gitna ng pabago-bagong halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.