Pormal nang inilunsad ng Department of Agriculture, Philippine Reclamation Authority (PRA) at iba pang ahensiya ng pamahalaan ang programang “Agri Tayo, Lab for All” program.
Pinangunahan nina First Lady Liza Araneta Marcos at Education Secretary Sonny Angara ang paglulunsad ng nasabing programa a mga main campus ng Parañaque National High School at Las Piñas National High School nitong Huwebes, October 29.
Layon ng proyekto na makatulong sa pagtiyak ng food security ng bansa sa pamamagitan ng suporta sa modern at sustainable agriculture.
Ayon kay Education Sec. Angara, bukod sa pagsagot sa usapin ng food security ay hakbang din ito upang labanan ang inaasahan epekto ng El Niño.
Sa ilalim ng nasabing programa, nabahagian ang mga paaralan ng hydrophonics greenhouse facility na gagamitin sa pagtatanim ng mga gulay tulad ng lettuce na napaparami at napapalago gamit ang hydrophonics.
Magbibigay din ito ng modernong karanasan sa mga kabataan sa paraan ng pagsasaka o pagtatanim upang mahikayat ang mga estudyante na pasukin din ang sektor ng agrikultura.
Umpisa pa lamang ito ng pagpapalawak ng modern at sustainable agriculture sa ilalim ng “Agri Tayo, Lab for All” initiative.