Photo courtesy of PHILTOA
Magkatuwang ang Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) at Philippine Tour Operators Association (PHILTOA) sa pagpapakilala ng mga emerging tourist destinations, kabilang ang mga nagwagi sa katatapos lamang na ATOP Pearl Awardees 2026.
Pinagtibay ng dalawang organisasyon ang kolaborasyon sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan kasabay ng ginanap na ATOP National Convention sa Ormoc City, Leyte kamakailan.
Sa panayam ng programang Pasyal Pinas kay ATOP National President Elric Batilaran, ibinahagi niyang kahit gaano kaganda ang isang tourism product, kung kulang ito sa koneksyon at marketing ay mahihirapan pa rin itong makahiyakayat ng mga bisita.
“Mayroon tayong well-developed tourism plan, pero kapag ang produkto ay not accessible, not marketable, not properly packaged, or not connected to different tourism distribution channels, it may still struggle to attract visitors and generate economic benefits,” ani Batilaran.
Dito na aniya papasok ang malaking papel ng mga tour operator para matulungan ang mga tourism initiatives na maging market-ready.
“The opportunity is to connect destination readiness to market readiness. Itong partnership natin with PHILTOA can connect those destinations with the market and the tourism businesses that bring visitors to them. This is a practical collaboration that can make a real difference to emerging destinations,” dagdag pa ni Batilaran.
Inaasahan naman ni PHILTOA President Maria Lourdes Japson na magbubunga ang kolaborasyon sa mas maraming tourism sales.
“On the business side kami, meaning ‘yung mga polisiyang ginagawa nila, dini-develop nila, ‘yung mino-monitor nilang destination management, kami ang magpu-put into market. Connect to the market and sell it,” ani Japson.
Naniniwala ang dalawang lider na ang patuloy na paglago ng turismo ay hindi lamang gawain ng iisang organisasyon kundi responsibilidad ng parehong pampubliko at pribadong sektor.