Handa ang Philippine National Police (PNP) sa anumang posibleng scenario hinggil sa pag-aresto kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon sa PNP, ito ay makaraang mapaso ang isang linggong palugit na ibinigay kay Dela Rosa para sa mapayapang pagsuko nito.
Sa pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Deputy Chief for Administration PLtGen. Wilson Joseph Lopez na paiigtingin nila ang manhunt operations laban sa senador.
Kumpiyansa silang uusad ang operasyon dahil patuloy silang nakatatanggap ng mga impormasyon hinggil sa kinaroroonan nito, lalo na’t may ₱50,000 na patong sa ulo nito.
Gayunman, paulit-ulit ang panawagan ng PNP kay Dela Rosa bilang dating ama ng Pambansang Pulisya.