Pinag-aaralan na ng Senado ang posibilidad na maglaan ng pondo para sa EDSA Busway at ilang foreign-assisted infrastructure projects sa 2027 National budget.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, walang nakalaang pondo para sa EDSA Busway sa National Expenditure Program (NEP) na isinumite ng ehekutibo.
Kaya naman seyosong kinokonsidera ngayon ng Senado ang paglalaan ng budget sa EDSA Busway sa ilalim ng 2027 national budget.
Kaya naman sinusuri na ng mga mambabatas kung saan maaaring magbawas ng gastusin ng gobyerno upang mapondohan ang EDSA Busway.
Kabilang sa mga gastusing sinusuri ang travelling expenses, gayundin ang mga seminar at conference ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan.
Layunin ng EDSA Busway na mapabilis ang biyahe ng mga bus sa kahabaan ng EDSA sa pamamagitan ng nakalaang linya para sa pampublikong transportasyon.
Ang hakbang ay bahagi ng mga usaping may kaugnayan sa pagpapabuti ng pampublikong transportasyon at pagpapagaan sa biyahe ng mga pasahero sa Metro Manila.