Inamin ng House prosecution panel na batid nila ang pagkainip ng publiko sa usad ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House Trial sSpokesperson Zia Alonto Adiong, patuloy na gagawa ng paraan ang panig ng prosekusyon para mapabilis ang pag-usad at tuluyang matapos ang paglilitis sa pangalawang pangulo.
Ayon pa kay Adiong, hindi nila ipinagwawalang-bahala ang sentimyento at nadaramang pagkabagot ng publiko dahil sa haba ng proseso.
Dahil dito, binigyang-diin ng mambabatas na hindi na dapat pang patagalin nang husto ang trial upang maging patas din sa karapatan ng bise presidente para sa isang mabilis na paglilitis.