Pinalalawak at pinalalakas pa ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang paglinang sa Information and Communication technology at Artificial Intelligence skillset ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga trainings ng ICT Academy.
Sa panayam ng Bangon, Bayang Mahal kay ICT Academy Director 4, Jennalyn Raviz malawak ang mga kasanayang ino-offer nila kung saan parehong maaaring pumasok sa online course and training at in-person courses ang mga interesado.
Sa katunayan, nakakalat din sa iba’t ibang rehiyon at lalawigan ng bansa ang mga digital transformation center ng DICT kung saan dito sila maaaring magpatala upang ma-avail ang mga nasabing trainings.
Bukod sa mga digital transformation centers ay matatagpuan din sa ilang mga pribadong establisimyento tulad ng mga mall ang ilang tanggapan ng DICT upang makapag-register sa online at in-person courses na alok ng ICT Academy.
Sa tulong nito ay mas mapapalakas ang IT at communications skills development ng mga Pilipino at mas mabibigyan ng mas malalim na pang-unawa kung paano gumagana at nagagamit ang Artificial Intelligence o AI at mabura ang konteksto na papalitan nito ang trabaho ng mga tao.