Pinasinayaan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Edisyong 2025 ng Mapa ng mga Wika ng Pilipinas noong ika-29 ng Oktubre 2026, sa National Museum of Natural History Courtyard sa Lungsod ng Maynila.
Sa programang pinamagatang “TANÁW: Paglulunsad ng Atlas at Mapa ng mga Wika ng Pilipinas,” kasabay ding inilunsad ang ikalawang edisyon ng Atlas ng mga Wika ng Pilipinas.

Sa pangkalahatang mapa, matutukoy ang mga lugar kung saan ginagamit ang 135 wika sa bansa. Makikita rin dito ang kalagayan ng mga katutubong wika batay sa mga palatandaang kulay na tumutukoy kung ang mga ito ay ligtas, di-ligtas, tiyak na nanganganib, matinding nanganganib, o malubhang nanganganib.

Bunga ito ng masusing pananaliksik ng KWF, katuwang ang iba’t ibang katutubong pamayanan na inaasahang magsisilbing mahalagang sanggunian para sa mga mananaliksik at iba pang nag-aaral tungkol sa mga wika sa Pilipinas.
Maaari ring ma-access nang libre ang Mapa at Atlas ng mga Wika ng Pilipinas sa KWF Repositoryo ng mga Wika ng Pilipinas sa website na https://kwfwikaatkultura.ph/