Mahigpit na ipinagbabawal ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagpasok sa 6-kilometer radius Permanent Danger Zone ng Bulkang Mayon, kasunod ng pagtaas nito sa Alert Level 3.
Ayon sa Phivolcs, delikado ang lugar dahil sa banta ng pyroclastic density currents, lava flow, rockfall, at iba pang volcanic hazards. Kaya inirerekomenda ang paglikas ng lahat ng nasa loob ng danger zone.
Ipinagbabawal din ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa bulkan.
Sa mga lugar na apektado ng ashfall, pinapayuhang takpan ang ilong at bibig ng malinis na basang tela o dust mask.