Photo courtesy of Philippine Ports Authority
Nakikipag-ugnayan ang Philippine Ports Authority o PPA sa 2GO Travel upang matiyak na may mga tauhang tutulong sa mga pasaherong dumarating sa pantalan sa dis-oras ng gabi, kahit sarado na ang ticketing counter.
Ito ang inihayag ni PPA General Manager Jay Santiago kasunod ng isinagawang inspeksyon sa NorthPort Passenger Terminal noong Oktubre 29, 2025.
Samantala, tiniyak naman ni 2GO Travel Senior Assistant Vice President and Business Unit Head Francis Chua ang suporta ng kumpanya sa pagpapahusay ng serbisyo sa mga pasahero.
Kabilang dito ang pagpapalawak ng mga opsyon sa pagbili ng tiket upang maging mas madali at maginhawa ang paglalakbay ng publiko.