Hirap umano ang defense team ni VP Sara Duterte na maghanap ng mga testigong kokontra sa mga ebidensyang iniharap ng prosekusyon sa Senate Impeachment Court.
Ito ang inihayag ni House Impeachment Adviser at Spokesperson Ace Barbers nnatapos iprisinta ng depensa ang dating AMLC Officer Atty. Rainmer dela Fuente.
Ayon kay Barbers, wala itong nasabi kundi ang umano’y breach of confidentiality sa records ng Anti-Money Laundering Council.
Para sa tagapagsalita ng prosekusyon, senyales ito na malakas ang kanilang kaso.
Ayon kay Barbers, mula noong nakaraang linggo, consistent ang depensa sa kanilang mga testigo na bigong pabulaanan ang mga alegasyon laban kay VP Sara.
Binatikos din nito na maging mga yumaong personalidad ay ginamit pa ng depensa sa impeachment court.