DOTr, umapela sa LTO na higpitan ang pagpapatupad sa mga road safety measure

Nanawagan si Transportation Secretary Jaime Bautista sa Land Transportation Office (LTO) na higpitan ang pagpapatupad ng mga regulasyon sa kaligtasan sa kalsada. Ito ay upang mabawasan ang mga aksidente at masiguro ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada. Sa isang pagpupulong kasama ang mga regional director ng LTO ngayong araw, hinamon ni Secretary Bautista… Continue reading DOTr, umapela sa LTO na higpitan ang pagpapatupad sa mga road safety measure

Pagharang ng China sa resupply ng Pilipinas, tinawag na ‘barbaric’ ng isang mambabatas

Mariing kinondena ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ang ginawang pag-atake ng China at pagharang sa suplay na para sana sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre. Tinawag ni Barbers na ‘barbaric’ ang ginawang aksyon ng China at wala aniyang lugar sa isang sibilisadong mundo. “The latest uncalled for barbaric and inhumane attacks… Continue reading Pagharang ng China sa resupply ng Pilipinas, tinawag na ‘barbaric’ ng isang mambabatas

Koneksyon ng mga POGO sa bansa, umaabot na sa mga pulitiko at local criminal syndicates —Sen. Sherwin Gatchalian

Isiniwalat ni Senador Sherwin Gatchalian na lumalawak na ang koneksyon ng mga POGO sa Pilipinas, mula sa mga pulitiko, ahensya ng gobyerno, negosyante at hanggang sa mga local crime syndicates ay umaabot na aniya ang kanilang mga gamalay. Ibinahagi ito ni Gatchalian matapos ang ginawang executive session ng Senate Committee on Women kahapon kasama ang… Continue reading Koneksyon ng mga POGO sa bansa, umaabot na sa mga pulitiko at local criminal syndicates —Sen. Sherwin Gatchalian

QC LGU, nagdagdag ng air quality sensors para sa mas malinis na hangin sa lungsod

Naglagay ang Quezon City LGU ng 20 karagdagang air quality sensors sa iba’t ibang bahagi ng lungsod. Layon ng inisyatibong ito na masubaybayan ang kalidad ng hangin at maprotektahan ang kalusugan ng mga residente. Ang mga datos na makukuha mula sa mga sensor na ito ay gagamiting basehan para sa pagbuo ng mga polisiya at… Continue reading QC LGU, nagdagdag ng air quality sensors para sa mas malinis na hangin sa lungsod

Sen. Sherwin Gatchalian, kukumbinsihin ang NPC na patalsikin na sa partido si Mayor Alice Guo

Pursigido si Senador Sherwin Gatchalian na kumbinsihin ang mga kapwa niya miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na patalsikin na sa kanilang partido si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ibinahagi ni Gatchalian na nakausap na niya kahapon si Senadora Loren Legarda, na miyembro rin ng NPC, at maging ito ay naniniwalang dapat nang maalis sa… Continue reading Sen. Sherwin Gatchalian, kukumbinsihin ang NPC na patalsikin na sa partido si Mayor Alice Guo

₱1.4-M na halaga ng tulong, naipagkaloob na ng DSWD sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

Umabot na sa mahigit ₱1.4 milyon ang halaga ng tulong na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros Occidental at Negros Oriental. Kabilang sa mga naipamigay sa mga apektadong pamilya ay mga family food packs at non-food items tulad ng family kits… Continue reading ₱1.4-M na halaga ng tulong, naipagkaloob na ng DSWD sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

Lokal na magsasaka ng bigas mananatiling prayoridad ng pamahalaan

Binigyang diin ng liderato ng Kamara na mananatiling prayoridad ng pamahalaan ang lokal na mga magsasaka ng bigas. Sa gitna ito ng pangamba ng ilang grupo na mauwi sa pagbaha ng imported na bigas sa merkado ang bagong polisiya ng administrasyon na ibaba ang taripang ipinapataw sa inaangkat na bigas. Sa pulong balitaan, ipinaliwanag ni… Continue reading Lokal na magsasaka ng bigas mananatiling prayoridad ng pamahalaan

Produksyon ng agrikultura, hindi gaanong napinsala sa kabila ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na hindi gaanong apektado ang produksyon ng agrikultura sa kabila ng pagputok ng Bulkang Kanlaon. Ito ang sinabi ni Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa sa isang panayam ngayong hapon. Ayon kay Asec. De Mesa, prayoridad ng DA ang paglilikas sa mga tao at ng mga hayop… Continue reading Produksyon ng agrikultura, hindi gaanong napinsala sa kabila ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

Amyenda sa RTL, tuloy pa rin sa kabila ng tapyas sa taripa ng imported na bigas

Patuloy pa ring isusulong ng Kongreso ang panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law. Ito ang sinabi ng House leaders sa pulong balitaan kasunod ng ginawang konsultasyon kasama ang rice industry stakeholders. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez kailangan pa ring amyendahan ang RTL bilang pangmatagalang solusyon sa pagpapababa ng bigas. Ito’y kahit pa inaasahan na… Continue reading Amyenda sa RTL, tuloy pa rin sa kabila ng tapyas sa taripa ng imported na bigas

Tamang lider, kailangan piliin para maipagpatuloy ang programang pabahay ni PBBM — Sec. Acuzar

Binigyang diin ni DHSUD Sec. Jose Rizalino “Jerry” Acuzar ang kahalagahan na pumili ng lider na maipagpapatuloy ang pambansang pabahay program ng administrasyon. Sa site inspection ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program o 4PH sa San Mateo Rizal, sinabi ni Acuzar na ang nais ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay mabigyan ng pabahay ang… Continue reading Tamang lider, kailangan piliin para maipagpatuloy ang programang pabahay ni PBBM — Sec. Acuzar